Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. ang agarang at transparent na pagwasak sa mahigit 9 point 4 bilyong pisong halaga ng Shabu na nasabat sa baybayin ng Zambales, Pangasinan, at Cagayan.
Giit ni Marcos, hindi dapat nakakabalik sa merkado ang kumpiskadong droga.
Aabot sa 1 point 5 tonelada ng Shabu ang nasamsam na itinuturing na pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa.
Ayon kay PDEA chief Isagani Perez, sisirain ang mga droga sa incinerator sa Capas, Tarlac sa Miyerkules.
Dadalo rito ang DOJ, LGU officials, at media… para masigurong walang daya sa proseso.
Target na tapusin ang pagwasak sa loob ng labindalawang oras.
Iginiit din ni Marcos ang pagpapatuloy ng “bloodless” na gyera kontra droga at pagtuon sa mga drug pusher sa kalye.