Panghuhuli sa mga e-bike at e-trike sa national highways, sinuspinde ng LTO | News Light

📅 December 1, 2025 12:15 PM PHT
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Pinagpaliban ng Land Transportation Office (LTO) ang panghuhuli sa mga light electric vehicles (LEV) o mga e-bike at e-trike at mga electric vehicles na mabagal ang takbo at hindi makakasabay sa mga national highways.

Ayon sa isang video na inilabas ni LTO Chief and Assistant Secretary Markus Lacanilao, ito ay upang mabigyang oras ang mga local government unit na ipaalam ito sa kanilang mga residente bagama’t ito ay lubhang mapanganib lalo na sa mga pasahero at nagmamaneho ng mga ganitong klase ng mga sasakyan.

ADVERTISEMENT

Ayon din sa LTO, may karapatan sila na mag-impound sapagkat saklaw ang mga LEV ng Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA) Law, dahil sa implementing rules and regulations nito na dapat sa mga limitadong lanes na provided lamang sa mga ganitong partikular na mga sasakyan.

Inanunsyo na rin ng kawani ng LTO na si Lacanilao na magsisimula na lamang ang kanilang implementasyon nito sa unang araw ng Enero sa susunod na taon. (Austin Gonzaga/News Light)