Pang. Marcos Jr., pinangunahan ang ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan | News Light

📅 June 12, 2025 03:25 PM PHT  |  ✏️ Updated June 12, 2025 08:22 PM PHT
👤 Jomar Villanueva  |  📂 News Light, Featured, Latest News

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-127 na paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park sa Maynila.

Kasama ng pangulo si First Lady Liza Araneta-Marcos, maging ang mga anak na sina Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos, Vincent, at Simon.

Sa kanyang talumpati, hinimok ng pangulo ang mga kapwa niya public servant na panagutin ang mga umaabuso sa tungkulin, maging ang mga nagkukulang sa paglilingkod sa taumbayan.

Hinimok din ng pangulo ang mga Pilipino na ipagtanggol ang kalayaan laban sa aniya’y salot gaya ng fake news, maling impormasyon, at iba pang kasinungalingan.

Ayon sa pangulo, dapat na labanan ang kasinungalingan, maging mapanuri, at alamin ang katotohanan.