Pang. Marcos, handang sagutin ang mga alegasyon ukol sa Ilocos Norte flood control projects, ayon sa Malacañang | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Haharapin umano ni President Ferdinand Marcos Jr. ang mga alegasyon laban sa kanya kung mayroon itong sapat na ebidensya, ayon sa pahayag ng Palasyo kahapon.

Ito ay matapos ang pahayag ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson sa Independent Commission on Infrastructure o ICI na unahing imbestigahan ang mga proyektong nasa balwarte ng presidente; tadtad na diumano ng anomalya ang mga ito, bukod pa sa pag-aari din ang mga ito ng mga Discaya.

“Magbigay lang ng tamang ebidensiya at huwag magturo lang,” ani Palace Press Officer Claire Castro. Patutsada pa ni Castro, kaanib na ng mga Duterte si Singson, kaya’t huwag itong agad-agad na pagkatiwalaan.

Kasunod ito ng press conference noong Biyernes, kung saan binanggit ni Singson ang mga report na papatunayan ang mga Discaya-linked contractors na St. Matthew, St. Gerrard, Alpha and Omega, at ang St. Timothy ay may malalaking proyekto sa Ilocos Norte. (Denniel Salayo/ News Light)