Pamilyang Villanueva, magkakasunod na bumoto kaninang umaga sa Bocaue, Bulacan

📅
Senator Joel Villanueva at CIBAC Rep. Bro. Eddie Villanueva sa Bunlo Elementary School sa midterm elections 2025, Mayo 12, 2025.

Magkakasunod na bumoto ang Pamilyang Villanueva kaninang umaga sa Bunlo Elementary School sa Bocaue, Bulacan.

Unang dumating ang magkapatid na sina JIL Executive Vice President Jovi Villanueva-Binalla at Incumbent Mayor Jonjon Villanueva.

Sinundan naman ito ng mag amang Senator Joel Villanueva at CIBAC Party-list Representative Bro. Eddie Villanueva na sabay ring bumoto sa iisang presinto.

Pinuri naman ng magkakapatid ang mabilis na pila maging ang proseso mula sa pagboto hanggang sa paghulog ng balota sa Automatic Counting Machine.

ADVERTISEMENT

Samantala, mensahe naman ni Bro. Eddie Villanueva ang isang mapayapang botohan at pinayuhan ang mga botanteng piliin ang mga kandidatong may takot sa Diyos.