Nabuhayang muli ng pag-asa ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungero matapos ituro ni Julie Patidongan o alyas Totoy sina Atong Ang at Gretchen Barretto sa kaso.
Ayon sa kaanak ng ilang biktima matagal na nilang naririnig ang mga pangalan na ‘yan pero hindi nila inakala na lalabas pala.
Habang umaasa naman ang mga pamilya na tututukan pa rin ng pamahalaan ang imbestigasyon lalo’t halos tatlong taon nang nawawawala ang ilan sa mga mahal nila sa buhay.
Nais din ng ilang pamilya na sumama sa search operation sa taal lake kung saan umanong inilibing ang mga biktima.
Una nang kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na posibleng lagpas isandaan ang mga nawawalang sabungero mula 2022 hanggang 2023.