Nagtipun-tipon ang mahigit isandaang pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings sa dambana ng paghilom sa La loma catholic cemetery sa Caloocan City para ipagdasal ang kanilang mga mahal sa buhay na nasawi sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Pinangunahan ang misa ng tagapagtatag ng program paghilom na si Fr. Flavie Villanueva kasabay ng paggunita ng undas.
Aabot sa 111 biktima ng EJK ang nakalibing sa dambana ng paghilom na itinuturing na isang espasyo para sa pag-alaala at pagpapatawad.
Ayon sa mga pamilya, patuloy pa rin ang sakit at pakikibaka para sa katarungan.



