Pambato ng Pilipinas na si Tara Valencia, ibinida ang kalabaw-inspired costume sa national costume competition ng Miss Supranational 2025

📅 June 27, 2025 11:40 AM PHT  |  ✏️ Updated June 27, 2025 11:41 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Entertainment, Latest News, Showbiz

Tara-baw on international stage!

Ibinida ng pambato ng Pilipinas na si Tarah Valencia ang kanyang ‘kalabaw’ inspired costume sa supranational 2025 national costume competition sa Malopolska, Poland ngayong Huwebes, June 26.

Ang naturang costume na yan likha ng filipino fashion designer na si Emanuel Rinyoza.

Napili ang ‘Kalabaw’ na sumisimbolo sa sipag, tiyaga ng mga pilipino at bilang pagbibigay-pugay sa mga magsasaka ng kabundukan ng Cordillera.

Gaganapin ang Miss Supranational 2025 grand coronation night sa June 27, Biyernes bukas na po yan.

Goodluck, tara! goodluck Philippines!