Pinangunahan ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi 1,173 na mga Patient Transport Vehicles o PTV sa Ormoc, Leyte kahapon, August 18.
Nagmula ang mga ambulansya sa Philippine Charity Sweepstakes Office na siyang nakatakdakng ipamahagi para sa lahat ng local government units sa rehiyon.
Ayon sa malacañang, 124 na mga ambulansya na ang naipamahagi sa biliran, Eastern samar, northern Samar, Samar, Southern Leyte, at Leyte sa ilalim ng Medical Transport Vehicle Donation Program ng PCSO..
Binigyang diin ng pangulo sa kaniyang talumpati na bahagi ito ng layunin na paunlarin ang health care program ng pamahalaan, lalot nasiwalat sa panahon ng pandemyang ang mga kahinaan sa medical services ng gobyerno.



