Pamahalaan, pinaghahandaan ang pananalasa ng posibleng Super Typhoon Uwan | News Light

📅 November 7, 2025 12:54 PM PHT

Pinaghahandaan na ng pamahalaan ang posibleng pananalasa ng Bagyong Uwan na posibleng maging super typhoon sa weekend.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., abala ang mga tauhan ng pamahalaan sa paghahatid ng tulong sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Tino.

Kaya inaalam ng administrasyon kung sino-sinong maaaring ipadala sa mga lugar na posibleng daanan ng Bagyong Uwan.

Inaasahan ng pamahalaan na lubhang hahagupitin ang Central at Northern Luzon, kaya inihahanda na nito ang personnel na puwedeng dalhin doon.

ADVERTISEMENT

Samantala, nagbabala ang US Joint Typhoon Warning Center na posibleng maranasan sa katubigang malapit sa Bicol Region ang peak intensity ng Bagyong Uwan.

Ayon sa ahensya, magdadala ang Bagyong Uwan ng hangin na may lakas na 212 kilometers per hour.

Halos kasing lakas ito ng Bagyong Ulysses noong 2020 kung saan hindi bababa sa 70 ang nasawi, at Bagyong Pedring noong 2011 kung saan hindi bababa sa 80 ang naitalang patay.

Babala pa ng ahensya, posibleng mas lumakas pa ang Bagyong Uwan at tuluyang mag-landfall sa hilagang bahagi ng Luzon.