Nanawagan ang malacañang sa publiko na ‘Kumalma lang’ matapos lumabas sa pinakahuling survey na maraming pilipino ang nananawagan na panagutin ang mga tiwaling opisyal at kontratista sa umano’y ghost at substandard flood control projects.
Batay sa pinakahuling Octa research survey 68% ng mga respondent ang sumusuporta sa panawagan na panagutin ang mga sangkot sa anomalya habang maraming grupo naman ang nagtataka.
kung bakit wala pang naipakukulong.
Ayon kay Palace press officer Usec. Claire Vastro dapat bigyan ng panahon ang Independent Commission for Infrastructure o ici para tapusin ang kanilang gawain sa pangangalap ng ebidensya.
Habang nangako naman ang ICI, na maghahain ng mga kaso sa loob ng apat na linggo mula nang ito’y buuin nitong Oktubre.



