Umasaa ang Malacañang na magkakaroon ng positibong takbo ang hiling ng mga magulang at tagasuporta ni Mary Jane Veloso na bigyan siya ng full and absolute clemency lalo’t wala naman daw nalalabag na batas.
Ito’y matapos isumite sa palasyo ang petisyon para palayain si veloso bago ang ika-apat na SONA ni Pangulong Marcos sa July 28.
Sa kasalukuyan hindi pa natatanggap ng pangulo ang liham ng pamilya ni Veloso.
Matatandaang nasentensyahang mamatay sa indonesia noong 2010 si Veloso dahil sa kasong drug trafficking.
Noong disyembre, naibalik siya sa pilipinas at nakapiit ngayon sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Nakasaad sa kasunduang Manila-Jakarta na iginagalang ng Indonesia ang anumang desisyon ng Pilipinas kasama na ang pagkakaloob ng clemency.