Palasyo, itinanggi na sinusuportahan ni PBBM ang pagtutol sa suspension order ng Ombudsman kay Gov. Garcia

📅 May 6, 2025 10:39 AM PHT  |  ✏️ Updated May 6, 2025 10:39 AM PHT
👤 Ace Cruz  |  📂 Bantay Boto 2025, Latest News, News Light

Mariing itinanggi ng Malacañang na suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtutol ni Governor Gwen Garcia sa suspension order na ipinataw ng Ombudsman matapos dumalo ang pangulo sa campaign sortie sa Cebu.

Giit ng Palasyo, hindi sila manghihimasok sa naturang isyu.

Maalalang iginiit ng pangulo na dapat naaayon sa batas ang suspensyon kay Garcia at nararapat pa ring igalang si Garcia bilang halal na opisyal.

Matatandaang pinasususpindi ng Ombudsman si Garcia dahil sa pagpapayag sa isang konstruksyon kahit na walang aprubadong Environmental Compliance Certificate (ECC).

Gayunpaman, kinuwestiyon naman ni Garcia ang suspension order dahil aniya sa timing nito na malapit sa midterm polls.