Palasyo, iginiit na walang sabwatan si Villar sa Primewater deals

📅  |  ✏️ Updated

Mariing pinabulaanan at nilinaw ng Palasyo na walang akusasyon laban kay Sen. Mark Villar kaugnay sa pagdami ng Primewater deals noong siya pa ang kalihim ng Department of Public Works and Highways.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, nagkataon lamang na naka-attach sa DPWH ang LWUA noong 2019 kasabay ng pagdami ng joint venture agreements ng Primewater.

Bagamat sinabi ni LWUA Administrator Jose Moises Salonga na may posibleng conflict of interest sa mga panahong iyon, dapat pa rin itong pag-aralan.

Sa panig naman ni Villar, tiniyak niya na wala siyang direkta o hindi direktang pagmamay-ari sa Primewater at hindi siya kaugnay sa anumang transaksyon habang nakaupo sa DPWH.