Ipinauubaya ng Malacañang sa Department of Foreign Affairs ang susunod na hakbang ng pamahalaan matapos i-ban ng China si dating Senador Francis Tolentino dahil sa pagtatanggol nito sa West Philippine Sea.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, karapatan ng China ang mag-ban pero hindi nito mapapatahimik ang mga pilipinong tumitindig para sa bansa.
Giit ni Castro, hindi mapipigilan ang tunay na pilipino na ipagtanggol ang karapatan sa nasasakupang karagatan at hindi isusuko ang kahit anong pulgada ng teritoryo ng pilipinas sa sinumang dayuhan.
Matatandaang si Tolentino ang principal author ng Maritime Zones Law at Archipelagic Sea Lanes Law.