Palarong Quezon 2025, pormal nang sinimulan

📅  |  ✏️ Updated
Photo courtesy of Quezon PIO

Pormal nang binuksan nitong Lunes, Nobyembre 24, ang Palarong Quezon 2025 sa Quezon Convention Center, bitbit ang temang “Atletang Quezonian: Pinanday sa Tiyaga at Husay ng Pagsasanay, Aabutin ang Tagumpay”.

Dinaluhan ang makulay na seremonya ng libu-libong atleta mula sa apat na distrito ng lalawigan.

Mahigit 13,000 atleta mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan ang sasabak sa iba’t ibang larangan ng isport upang ipamalas ang kanilang galing at disiplina para sa kani-kanilang bayan.

Pinangunahan ang pagbubukas ng palaro sa pamamagitan ng pagtataas ng Division Athletic Association Meet (DAAM) flag at mga watawat ng kalahok na paaralan, kasunod ang signing of the master schedule and technical guidelines sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Dr. Rommel Bautista at mga opisyal ng DepEd Quezon.

ADVERTISEMENT

Pinuri naman ng Pamahalaang Panlalawigan ang katatagan at dedikasyon ng mga atletang Quezonian na aniya’y nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan.