Sinimulan na ang paggawa ng bago at pedestrian-friendly na tawiran na papalit sa matarik na Kamuning Footbridge o kung tawagin ay “Mt. Kamuning.”
Magkasamang dinaluhan ni Department of Transportation Secretary Vince Dizon at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang groundbreaking ng EDSA Busway Kamuning Station concourse na planong lagyan ng maayos na walkway at wheelchair lifts para sa mga senior citizen at persons with disabilities.
Ayon kay Mayor Belmonte, hindi inklusibo at hindi para sa mga vulnerable na sektor ang kasalukuyang istruktura ng footbridge at istasyon ng MRT.
Dagdag niya, kailangan na itong mawala at dapat ding ipakita na handa ang pamahalaan na tugunan ang reklamo ng taong-bayan.



