Samantala ngayong gabi pormal nang ipinagpaliban ng House of Representatives ang pagtanggap ng articles of impeachment na ibinalik ng senado nitong June 11.
Sa huling plenary session ng 19th Congress bago ang Sine Die, isinulong ni isabela 6th district Rep. Inno Dy ang pagpapaliban hanggat hindi pa sumasagot ang senado sa mga klaripikasyong hinihiling ng House prosecution panel bago nito.
Ipinasa rin ang House resolution 2346 na layong pagtibayin ang posisyon ng Kamara na ito’y sumunod sa konstitusyon nang isagawa ang impeachment kay VP Sara Duterte noong February 5, 2025.
Napagkasunduan rin na maglabas ng sertipikasyon ang Kamara
ukol sa pagsunod sa one year ban ng impeachment sa iisang opisyal.