Pangungunahan ni PNP chief PGen. Nicolas Torre III, ang isinusulong niyang firearms proficiency test ng mga pulis sa hulyo.
Aminado kasi si Torre na hindi seryoso noon ang pagsusuri kaya tiniyak niyang mas hihigpitan na ito ngayon.
Aniya, may standard na dapat masunod magreretiro siya kung siya mismo ay babagsak.
Habang tatanggalin naman sa puwesto ang mga pulis na babagsak sa test.
Dagdag pa ni Torre, magdaragdag sila ng simulation training para sa mas epektibong paggamit ng baril na aniya ay last option sa anumang police operations.