Paglilinis ng mga estero bilang paghahanda sa tag-ulan, ipinag-utos ni PBBM sa mga ahensya ng gobyerno

📅 July 4, 2025 11:58 AM PHT  |  ✏️ Updated July 4, 2025 11:58 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr. ang agarang paglilinis ng mga estero at drainage para maiwasan ang malalang pagbaha ngayong tag-ulan lalo na sa Metro Manila.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, naglunsad na ang MMDA ng clean-up sa dalawampu’t tatlong pangunahing estero sa kamaynilaan gamit ang mga makabagong kagamitan.

Target din ng gobyerno na isali sa paglilinis ang mga benepisyaryo ng DOLE-TUPAD program.

Samantala, pinag-aaralan na rin aniya ng pangulo ang kahilingan ni Interior Secretary Jonvic Remulla na pangunahan ang pagbibigay ng direktiba sa pagsusupindi ng klase tuwing may bagyo.