Paglala ng kakulangan sa pagkain at malnutrisyon, umabot sa 295 milyon — UN

📅

Patuloy na lumalala ang pandaigdigang krisis sa pagkain at malnutrisyon, ayon sa ulat ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations (UN) at mga katuwang nitong organisasyon.

Aabot na sa 295 milyong katao sa 53 bansa ang nakararanas ng matinding gutom noong 2024, tumaas ng 13.7 milyon kumpara noong 2023.

Ayon sa 2025 Global Report on Food Crises, pangunahing dahilan ng krisis ay ang mga giyera at pagbagsak ng ekonomiya.

Binigyang-diin ni UN Secretary-General Antonio Guterres na ang kakulangan sa pondo para sa humanitarian aid ay nagpapalala sa mga dati nang krisis.

ADVERTISEMENT

Sa kabila ng pagtulong, patuloy ang banta ng taggutom sa mga lugar tulad ng Gaza Strip, South Sudan, Haiti, at Mali.