Naglabas ng red tide advisory sa Cancabato Bay sa Tacloban City ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Eastern Visayas matapos magpositibo ang tubig nito sa organismong naglalabas ng red tide toxin.
Nagpositibo sa dinoflagellate na Pyrodinium bahamense ang tubig-dagat mula sa Cancabato Bay.
Dahil dito, inabisuhan ang publiko na iwasan munang kumuha, magbenta, at kumain ng lahat ng uri ng shellfish mula sa naturang dagat.
Ligtas namang kainin ang isda, pusit, alimango, at hipon ngunit kailangan itong linisin nang maigi.
ADVERTISEMENT
Patuloy na binabantayan ng BFAR ang kalagayan ng Cancabato Bay at iba pang kalapit na lugar.



