Susubukan ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) ang paggamit ng electric vehicle (e-vehicle) sa pamamasada.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Ayon sa ALTODAP, mas mainam ang paggamit ng e-vehicle dahil hindi na kailangang gumamit ng petrolyo.
Gayunpaman, kailangang matiyak na kayang bumiyahe ng e-vehicle nang buong maghapon nang hindi nagdudulot ng abala.
ADVERTISEMENT
Matatandaang sa pagtataya ng mga kumpanya ng langis, nasa ₱1 kada litro ang ipatutupad na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo bukas.



