Pagbabalik ng Philippine Eagle sa Mt. Banahaw, isinusulong

๐Ÿ“… May 1, 2025 01:17 PM PHT  |  โœ๏ธ Updated May 1, 2025 01:17 PM PHT
๐Ÿ‘ค Rose Anne Sibag  |  ๐Ÿ“‚ DZJV Radyo CALABARZON
Photo courtesy: DENR IV-A

Kasabay ng Earth Day 2025, isang kasunduan ang nilagdaan sa Tayabas City Hall sa pagitan ng DENR CALABARZON, Philippine Eagle Foundation, Forest Foundation Philippines, Southern Luzon State University, at Pamahalaang Lungsod ng Tayabas upang isulong ang muling pagpapalaya ng Philippine Eagle sa Mt. Banahaw na huling namataan doon noong 1989.

Ayon kay DENR CALABARZON Regional Executive Director Nilo B. Tamoria, ang kasunduan ay mahalagang hakbang sa pagpapanumbalik ng ekolohikal na balanse at biodiversity ng Mt. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape.

Layon ng MOU na pagsamahin ang kaalaman, pananaliksik, at resources ng mga institusyon para sa masusing pag-aaral ng angkop na tirahan para sa agila, habang pinapalalim ang kamalayan ng lokal na komunidad sa pangangalaga ng kalikasan.