Mas pina-igting na ang weather monitoring ng pagasa sa pamamagitan ng upgraded interactive tracker na ‘Panahon.’
Sa bagong bersyon, maaari nang tingnan ng publiko ang halos real-time na impormasyon mula sa mga weather stations sa buong bansa kabilang ang ulan, temperatura, hangin, halumigmig, at iba pa.
Ginamit din ang data mula sa European Centre for Medium-range Weather Forecasts para sa mas tumpak na forecast.
ADVERTISEMENT
May bago ring features gaya ng clickable maps, time slider, at location search para mas madaling makita ang lokal na weather status.
Habang nagsilbing one-stop system din ito sa mga regional weather warnings na may color-coded hazard markers.
Ayunin ng ‘Panahon’ na mas mapabuti ang paghahanda sa sakuna risk reduction at pagpaplano ng mga lokal na pamahalaan.



