Pag-uwi ng mga anak mula abroad, best surprise sa ilang nanay ngayong papalapit na Mother’s Day

📅 May 9, 2025 12:52 PM PHT  |  ✏️ Updated May 9, 2025 12:52 PM PHT
👤 Carlene Latuna  |  📂 Good News, Good Vibes, Latest News, News Light

Flowers, pabango, bag, at iba pang materyal na bagay ang kadalasang ibinibigay sa mga nanay ngayong Mother’s Day.

Pero para sa ilang ina, ang mahagkan muli ang kanilang mga anak na nasa malayo nang lugar ang best gift na matatanggap nila.

Kaya lubos ang saya ng ilang mga mommy na sinurprise ng kanilang anak na umuwi mula sa abroad.

Sa social media posts, naging emosyonal ang muling pagkikita ng mga nanay at ng kanilang mga minamahal na anak.

Comment ng ilang netizens, nakakatuwa at kahit hindi sila kapamilya, ramdam nila ang pagmamahal at pagka-miss ng mga nanay sa kanilang anak.