Bagama’t walang bagyo, asahan pa rin ang pag-ulan at thunderstorm sa ilang bahagi ng bansa.
Apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Palawan at Mindanao, habang easterlies naman ang nakakaapekto sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas.
Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms ang Palawan, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar, at Eastern Samar, na posibleng magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan.
Sa Mindanao, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms. Ganito rin ang kondisyon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa epekto ng easterlies.



