
Lumabas sa pag-aaral ng mga Israeli scientist na ang mga taong may sodium levels na mataas sa normal na antas ay mas may posibilidad na magkaroon ng altapresyon at heart failure.
Batay sa 20 years data mula sa mahigit 407,000 katao, natuklasan ng mga researcher mula Bar-Ilan University na ang sodium levels sa pagitan ng 140โ146 blood glucose levels ay may kaugnayan sa mas mataas na panganib ng mga sakit sa puso.
Sa mga may sodium level na higit sa 143 blood glucose levels, tumataas ng 29% ang panganib ng altapresyon at 20% sa heart failure.
Ayon sa mga eksperto, ang tamang hydration o sapat na pag-inom ng tubig ay makatutulong upang mapanatili ang malusog na sodium level sa dugo.
ADVERTISEMENT
Binigyang-diin din nila na ang simpleng lifestyle change gaya ng pag-inom ng mas maraming tubig ay maaaring magbigay proteksyon laban sa mga malulubhang karamdaman.



