P903-M budget ng ovp para sa 2026, inaprubahan ng DBM

📅  |  ✏️ Updated

Pinayagan na ng Department of Budget and Management na dagdagan ang budget ng Office of the Vice President para sa taong 2026.

Mula sa naunang hiling na P733-milyong na budget, itinaas ito sa P903-milyon.

Ayon kay OVP Spokesperson Ruth Castelo, nadagdagan ito matapos humiling ang opisina ng karagdagang pondo para sa mga bagong tauhan at IT equipment.

Habang tinanggihan naman ng OVP ang paghingi ng confidential funds para sa susunod na taon.

Samantala, hindi pa tiyak kung dadalo si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng budget sa Kongreso.

ADVERTISEMENT

Matatandaang binawasan ang budget ng OVP noong nakaraang taon matapos kuwestyunin ang paggamit ng P125-milyon na confidential funds sa loob lang ng labing-isang araw at ang P10-milyon para sa pagpapalimbag ng kanyang libro na isang kaibigan.

Patuloy pa ring pinag-uusapan sa Kongreso at naging basehan din ng isinampang impeachment complaint laban kay VP Sara.