P9.4-b halaga ng iligal na droga, sinunog; PBBM, personal na nasaksihan ang pagsusunog

📅 June 26, 2025 11:32 AM PHT  |  ✏️ Updated June 26, 2025 11:32 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Lideratong Marcos Jr.

Sinunog ng mga otoridad ang halos 9 point 4 bilyong pisong halaga ng ipinagbabawal na gamot na nasabat sa iba ibang panig ng bansa kasama na ang kamakailang tinatawag na ‘floating shabu’ sa North Luzon na nakitang palutang-lutang sa karagatan.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-iinspeksiyon at pagsunog sa halos tatlong libong kilo ng Shabu, Marijuana, Cocaine, at Ecstacy.

Giit ni Marcos, kailangang masiguro na tuluyang masira ang droga at hindi na muling magamit o maibenta pa.

Idiniin din niya ang importansiya ng maayos na sistema mula pagkakasamsam hanggang pagwasak ng droga.

Nakatakda namang muling isailalim sa incineration ang mga drogang hindi naging abo.

Yatagal ng isang araw ang proseso ng naturang incineration.