Napakamot ulo na naman si DPWH Sec. Vince Dizon matapos inspeksyunin ang estero de sunog apog pumping station sa Tondo, Maynila.
Sa inspeksyon kasi kasama sina Manila Mayor Isko Moreno at ICI Adviser at Baguio Mayor Benjamin Magalong, lumalabas na bayad na nang buo ang mahigit P700 million project pero hindi kailanman gumana at nakalala pa nga sa baha.
Ani Dizon, ni minsan hindi ito napakinabangan at ayon naman kay Manila City Mayor Isko Moreno, hindi legal ang proyekto.
Giit ni Moreno, lalo pang lumala ang baha doon.
Ayon kay Dizon, ang nakapagtataka napondohan pa ulit ang proyekto. Aniya, kapareho din ang mga problema rito sa flood control projects sa Pampanga.
ADVERTISEMENT
Sa ngayon pinahinto muna ang lahat ng gawain para mapasuri sa third party kung kaya pa bang isalba ang Tondo pumping station.
Ipapasa naman ang lahat ng nakalap na ebidensya sa Independent Commission on Infrastructure.



