Inaprubahan ng kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang P6.79 trilyong panukalang national budget para sa 2026.
Sa botohan, 287 mambabatas ang pumabor sa panukala habang labindalawa naman ang tumutol at dalawa ang nag-abstain.
Bago ito, inalis ng mga mambabatas ang P156 milyong budget ng Office of the Vice President habang tinanggihan naman ang panukalang tanggalin ang P250-bilyong unprogrammed funds.
Ayon kay Rep. Mikaela Suansing naalis na ang P35 bilyong sa mga infrastructure project sa unprogrammed appropriations pero kailangang panatilihin ang pondo para sa mga foreign-assisted contingency projects.
ADVERTISEMENT
Samantala, tutol naman dito ang Makabayan bloc at tinawag itong pagpapatuloy lamang ng Pork barrel system kabilang ang mahigit P695 bilyong pondo sa mga flood control projects simula 2022.



