P476 milyong halaga ng Shabu, nasabat ng BoC sa isang bodega sa Tondo, Maynila

📅

Nasabat ng Bureau of Customs ang mahigit P476 milyong halaga ng Shabu na itinago sa balikbayan boxes sa isang courier warehouse sa Tondo, Maynila.

Gamit ang x-ray at K-9 sweep natuklasan ng Customs at PDEA ang 70 kilo ng Shabu na nakatago sa tatlong balikbayan box mula Long Beach, California at nakatakda sanang i-deliver sa Bacoor, Cavite.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno hindi dapat gamitin ng drug syndicates ang balikbayan box lalo’t sumisimbolo ito sa sakripisyo ng mga OFW.

Kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act at Customs Modernization act ang isasampa laban sa mga nasa likod ng kontrabando.