Iginiit ng Malacañang na kailangan ng Office of the President ng P4.5 billion na pondo upang magampanan ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang mandato bilang punong ehekutibo ng bansa.
Ayon kay Palace Usec. Claire Castro, ang naturang confidential at intelligence fund o CIF ay mahalaga para kay PBBM bilang commander-in-chief, at tagapag patupad ng foreign policy at security ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Castro, walang masama sa confidential at intelligence fund kung ang pondo ay gagastusin nang maayos.
Bumwelta rin ang palasyo laban sa pambabatikos ni former Finance Chief. Cielo Magno kaugnay sa isyu ng aniya’y kwestiyonableng moral ascendency ng pangulo.
ADVERTISEMENT
Ang Office of the President ang may pinakamalaking parte ng CIF sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program o NEP na siya namang sinundan ng Department of National Defense.



