P30-M donasyon ng kontratista kay Senate Pres. Escudero noong 2022 elections, personal umano at hindi mula sa kompanya

📅  |  ✏️ Updated

Inamin ng Pangulo ng Centerways Construction and Development Incorporated na si Lawrence Lubiano na nagbigay siya ng P30 milyon para sa kampanya ni Senate President Chiz Escudero noong 2022 national elections.

Isang contractor ng flood control project ang naturang kumpanya na nasasangkot ngayon sa imbestigasyon dahil sa mga umano’y maanomalyang korapsyon sa proyekto.

Pero sa house hearing ng flood control projects iginiit ni lubiano na personal niyang pera ang ginamit at hindi galing sa kompanya.

kinumpirma naman ni Escudero na kaibigan niya si Lubiano at isa sa kanyang mga donor pero itinanggi niyang nakialam siya sa mga kontrata ng negosyante.

ADVERTISEMENT

May dalawa ring kapatid si Lubiano na nasa politika sa sorsogon pero itinanggi niya na may partner siya sa gobyerno.

Pinaalala naman ng omnibus election code na ipinagbabawal ang donasyon mula sa mga may kontrata sa gobyerno, direkta man o hindi.