
Umabot sa P3.4 milyon ang halaga ng shabu na nasamsam ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team (RSET) at PNP Cavite Maritime Police sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Buhay na Tubig, kahapon, November 12, bandang 12:30 ng hapon.
Naaresto sa operasyon ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas “Bongabong” at “Raffy”.
ADVERTISEMENT
Aabot sa 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska na nakatakdang isailalim sa chemical analysis.
Samantala, nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 kaugnay ng Section 26 (Conspiracy to Sell Dangerous Drugs) ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.




