Nangako si Manila Mayor Isko Noreno Domagoso sa mga kapulisan ng Manila Police District na makukuha pa rin nila ang kanilang allowance na may kabuuang halaga na dalawampu’t anim na milyong piso.
Sa conference ng MPD district 1, sinabi ni Yorme na kasama niya si Vice Mayor Chi Atienza sa paghahanap ng pondo para maibigay agad ito sa mga pulis.
Dagdag pa ni Domagoso maghintay lamang dahil nabigla ang pamahalaang lungsod sa laking utang na namana sa nakaraang administrasyon sa ilalim ni Honey Lacuna.
Sa kabila nito, nanawagan ang alkalde sa mga pulis na tutukan ang paglinis ng Maynila na pangunahing problema ng lungsod ngayon habang tinitiyak ang kaayusan at kapayapaan ng lungsod.