Isinusulong ni Sen. JV Ejercito ang panukalang P250 na umento sa arawang sahod ng mga pribadong manggagawa, higit na mas mataas ito sa naipasa nang P100 sa Senado at P200 sa Kamara.
Giit ni Ejercito, kulang ang kasalukuyang sahod para sa pang araw-araw na pangangailangan ng mga manggagawa lalo pa’t lumobo ang presyo ng mga bilihin dahil sa gulo sa Middle East.
Samantala, naghain din ang senador ng hiwalay na panukala para suspendihin ang excise tax sa langis kapag umabot sa $80 kada bariles ang presyo ng Dubai crude sa world market.
Giit ni Ejercito, makatutulong ito para bawasan ang pasanin ng mga pamilyang Pilipino tuwing tumataas ang presyo ng langis.