Tinatayaang nasa tatlumpung kilo ng shabu na nagkakahalagang nasa 204 milyong piso ang nasamsam ng mga otoridad sa Naic, Cavite madaling araw ng June 20.
Ayon sa ulat ng pulisya isang bente sais anyos na security guard ang nakadiskubre ng isang kaduda-dudang green na maleta sa tabi ng bakanteng lote sa friendship road, barangay sabang.
Sa pag-inspeksyon ng mga pulis, nadiskubre ang 30 heat-sealed packs ng hinihinalang shabu.
Ayon kay Plt. Col. Resty Soriano, hepe ng Naic PNP, may nakakabit na tatlong surveillance camera malapit sa maleta senyales na posible itong “dead drop” o modus ng droga na iniiwan sa isang spot para pick-upin ng buyer nang hindi namamalayan.
“Iwaasan ang huli, kaya camera ang ginamit para mamonitor kung sino ang kukuha,” ani soriano.
Patuloy ang backtracking operations at review ng CCTV para matunton ang mga suspek.
Habang dinala na sa crime lab ang droga para sa masusing examination.