Tiniyak ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pag-aaralan niya ang epekto sa ekonomiya ng panukalang P200 na umento sa pasahod sa minimum wage earners.
Kasunod ito ng pag-apruba ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa kaugnay sa naturang panukalang batas.
Binigyang-diin ni Presidential Communications Operations Usec. Claire Castro na kukunin ng punong ehekutibo ang opinyon ng mga wage board at iba’t-ibang stakeholder bago magbaba ng direktiba.
“Nais ng Pangulo na maibigay kung ano ang makabubuti sa mga manggagawang Pilipino. Titingnan lahat ng aspeto at ang concerns ng lahat ng stakeholders,” sabi ni Castro.
Matatandaang noong May 1, Labor Day ay binigyang diin ng pangulo na marapat at mabuting na apag-aaral sa umento sa pasahod dahil sa posibleng epekto nito sa sektor ng negosyo at ekonomiya, kasabay ng pakikinig sa hinaing sa sektor ng paggawa.
Ang minimum wage sa Metro Manila ay nasa P645, habang nasa P560 hanggang P361 naman ang sa iba’t ibang ng probinsya sa Pilipinas.