Aabot sa P200-M halaga ng puslit na Frozen Mackerel ang nasabat ng Bureau of Customs at Department of Agriculture sa Port of Manila.
Ayon sa BOC, ang 21 container vans ay galing China at dineklara bilang fried taro sticks, cuttle fish flavored balls, at taro sweet potato balls.
Samantala, ido-donate naman na ng BOC sa DSWD ang nakumpiskang 720 metriko toneladang isda.



