P12 million, nalikom ng Manila LGU sa flood project contractors

📅  |  ✏️ Updated

Iniulat ni Mayor Isko Moreno na nakasingil na ang lungsod ng Maynila ng P12 milyong na hindi nabayarang buwis mula sa mga kontratista ng flood control projects.

Ayon sa alkalde, mula sa P 8 milyong na naipon noong nakaraang linggo ay nadagdagan pa ito ng P4 milyong piso ngayong Lunes ng umaga.

Binigyan ng lungsod ng sapat na oras ang mga kontratista para bayaran ang kanilang utang at naging babala ni moreno na kakasuhan sila sa PCAB, DPWH, DWB at Malacañang kung patuloy na hindi sila sasagot.

Kasunod nito tinanggap din ni Moreno ang posibleng pagtuturo ni Sarah Discaya bilang state witness kung makatutulong ito sa paghabol ng hustisya sa umano’y pandarambong sa pondo ng DPWH.