Naabo ang nasa P10-milyon halaga ng car accessories matapos masunog ang isang auto shop sa 5th street, Barangay Sto. Niño, Marikina, madaling-araw ng Huwebes, July 3.
Ayon sa mga empleyado, nakarinig sila ng putok at nakaamoy ng sunog na plastik bago tuluyang lumakas ang apoy.
Tinangka pa nila itong apulahin bago tumawag ng bumbero.
Umabot sa unang alarma ang sunog at naapula rin pagkalipas ng isang oras.
ADVERTISEMENT
Tinutukoy pa ng Bureau of Fire Protection ang naging sanhi pero hinalang electrical wiring ang pinagmulan ng sunog.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.



