Ibinunyag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na inalukan siya umano ng isang bilyong piso, kasama ang kanyang kapatid na si Ombudsman Jesus Crispin Remulla, para patahimikin ang imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects.
Kasabay ito ng pagbubusisi sa mga iregularidad sa naturang government projects at ng pangako ng gobyerno na mapapanagot ang may sala.
Ayon kay Remulla, ipinarating ang alok sa pamamagitan ng isang tagapamagitan o intermediary na malapit sa kanila at sa isang hindi pinangalanang personalidad na nasasangkot sa proyekto.
Kaagad namang tinanggihan ni Remulla ang alok at ipinaalam niya ang insidente kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.



