OWWA: 46 pilipino mula Israel, nakatakdang umuwi ng Pilipinas ngayong linggo

📅 July 3, 2025 11:48 AM PHT  |  ✏️ Updated July 3, 2025 11:48 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Inaasahang uuwi na sa pilipinas ngayong linggo ang nasa apatnapu’t anim na pinoy mula Israel, ayon ‘yan sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Darating sa July 3, Miyerkules ang dalawampu’t isa sa kanila.

Habang inaasahang lalapag sa July 5, sabado ang natitirang dalawampu’t lima.

Ayon kay OWWA Administrator Patricia Caunan, may ilan din sa mga nakalistang uuwi ang umaatras na karamihan ay mga caregiver na nag-aalala sa kanilang mga pamilya at alagang pasyente.

Habang may ilang mga kababayan din sa Qatar, Saudi, UAE at kuwait ang nagtatanong kung may repartriation din para sa kanila.

Giit ng OWWA, tuloy-tuloy ang reintegration program para sa mga distressed workers.

Ito’y matapos ibaba ng pilipinas sa alert level 2 ang sitwasyon sa Israel at iran dahil sa ceasefire na pinagkasunduan ng dalawang bansa.