OVP, hindi dumalo sa budget hearing ng kamara; VP Sara Duterte, dadalo na umano sa Martes

📅

Hindi dumalo ang opisyal ng Office of the Vice President maging si Vice Pres. Sara Duterte sa budget hearing ng kamara ngayong Biyernes.

Bakante ang mga upuan at malinis ang bulwagan.

Pero ayon kay Palawan Rep. Jose Alvarez, dadalo na si VP Sara sa Martes, Sept. 16 para sumagot sa mga magiging tanong ng mga mambabatas.

Paliwanag pa ni Alvarez, Asssistant Secretary lang ang ipinadala ng OVP kaya pinayuhan niyang huwag nang dumalo ang bise dahil tradisyon ng kamara na dapat ang head of agency o Undersecretary ang humarap.

ADVERTISEMENT

Matatandaang ginawa na rin ito ng OVP noong 2024 kung saan tila iniindian at paulit-ulit na absent si VP Sara sa pagdinig kasabay ito ng matunog na isyu sa confidential funds na hindi nasasagot ng maayos.

Habang ngayong 2025, mula sa orihinal na P2.37 billion budget ng OVP bumaba ito matapos kuwestyunin ng mga mambabatas ang gastos sa confidential funds.