Overcrowding sa MRT-3, hindi na mauulit ayon sa pamunuan | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Dahil sa nag-viral na overcrowding sa isang istasyon ng MRT-3 nitong January 5, tumugon agad ang pamunuan nito sa pag-oobserba ng mga pasilidad sa kanilang mga istasyon.

Agad inaksiyunan ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr)-MRT-3, kasama ang general manager na si Michael Capati, ang isyu sa nag-viral na overcrowding video sa MRT-3 Cubao Station.

Inatasan ng pamunuan ang mga station, safety and security, at engineering division chiefs na paigtingin umano ang crowd management.

Kapag nakitang puno ang station platform, pahihintuin muna pansamantala ang pagpasok ng mga pasahero.

ADVERTISEMENT

Humingi rin ng patawad at pag-unawa nitong nakaraang linggo ang DOTr. Sapat naman diumano ang mga tren, at sadyang dagsa lamang ang nagsibalikan sa kanilang mga trabaho sa Maynila noong nakaraang linggo. (Austin Gonzaga/News Light)