‘Ouster Plot’ VS. House Speaker Martin Romualdez, suportado ni VP Sara Duterte

📅

Suportado ni Vice President Sara Duterte ang hakbang na patalsikin ang liderato ng kamara na si House Speaker Martin Romualdez.

Kasunod ‘yan ng naging pahayag ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga sa planong pagtakbo niya bilang House Speaker kapalit ni Romualdez.

Pero giit ni VP Sara, masyado umanong abala ang Office of the Vice President para isipin pa at magbigay ng suporta sa sinumang kongresistang nais kumandidato sa speakership.

Una nang sinabi ni Navotas City Representative Toby Tiangco, ang naunang planong balasahan sa Liderato ng kamara bunsod ng flood control project scandal na nag-uugnay kay Romualdez at iba pang kongresista.