Inilabas ng Office of the Transportation Cooperatives ang bagong programa na “Repair, Rehabilitate, and Retain” para sa mga tradisyunal na jeepney sa bansa sa pangunguna ni OTC Chairman at dating LTFRB Chair Teofilo Guadiz III.
Ang programa ay may layong bigyang pag-asa ang mga tsuper at operators na bigyang buhay ang mga kanilang lumang unit kung saan maging roadworthy ito sa kalsada, at maging maginhawa para sa mga mananakay o komyuter.
Bukod sa kaligtasan sa mga daanan at kaayusan sa mga mananakay, kasama rin sa programa ng OTC ang paglalagay ng mga safety equipment tulad ng speed limiters, CCTV, GPS, at automatic fare collection systems na kailangan makita sa isang jeepney unit.
ADVERTISEMENT
Dagdag ni Guadiz, walang operator o may-ari ng mga lumang unit ng jeepney ang dapat maiwan, sapagkat imbes na palitan ay ma-rehabilitate ang kanilang mga sasakyan at makapaghanapbuhay sa pamamagitan ng pamamasada. (Austin Gonzaga/ News Light)




