Oplan Kontra Baha, inilunsad ng pamahalaan | News Light

📅 November 13, 2025 1:17 PM PHT

Kasunod ng mga isyu ng korapsyon sa flood control projects at mga mapaminsalang pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa, ang tugon ngayon ng administrasyong Marcos Jr. — maglinis at magtanggal ng mga bara sa mga estero.

Inilunsad ng pamahalaan nitong Miyerkules, November 12, ang Oplan Kontra Baha.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., layon ng Oplan na linisin ang mga estero at iba pang daluyan ng tubig sa Metro Manila para masigurong hindi ito nababarahan ng naipong basura at burak.

Regular aniyang gagawin ng pamahalaan ang paglilinis ng mga estero sa loob ng siyam na buwan.

ADVERTISEMENT

Pinuna rin ni Marcos Jr. ang mga palpak na pumping stations sa mga creek na bukod sa hindi pa nagagamit ay nagiging sagabal din sa pagdaloy ng tubig.

Ayon pa sa pangulo, 60% ng mga pagbaha ay masosolusyunan sa bagong Oplan Kontra Baha.

Isasagawa rin ang Oplan sa mga lugar sa bansa na madalas bahain tulad ng Bulacan, Cavite, Cebu, at iba pa.